Panalo歌词由K-Leb演唱,出自专辑《Panalo》,下面是《Panalo》完整版歌词!
Panalo歌词完整版
Kayo'ng kasama nung ako ay natalo. Meron o wala kahit sino ang taya tayo ang salo salo. Pero ngayong gabi ang swerte sa atin na kumampi taas ang kamay sabay sa tagay tayo ay panalo
Naaalala ko pa nga non panahon na wala.
Kayo ang umaalalay nung akoy nangangapa.
Ilang beses nadapa pero binalewala ko.
Bumangon ng paulit ulit at tinatak ko.
Na balang araw matatanaw ang gustong makita ng mata.
Walang mintis anong tamis mga tiniis natapos na.
Di ko sinayang ang papel at tinta ang oras na pinunla.
Kamuntikan pa ngang ang kaluluwa koy isangla.
Pero nandyan kayo saking tabi.
Kayo ang liwanag pag sumasapit ang gabi.
Salamat tol, repapips, parekoy,kapatid.
Sira man ang tulay tayo ay nakatawid.
Kapit kapit ng kamay ngayon may balong na tayo ng tubig sabay sabay na tayong mag iigib.
Kayo'ng kasama nung ako ay natalo. Meron o wala kahit sino ang taya tayo ang salo salo. Pero ngayong gabi ang swerte sa atin na kumampi taas ang kamay sabay sa tagay tayo ay panalo
Pinunasan mga luha sa mata.
Nakipagtitigan sa mga nang mata.
Naglalakad maputikan man ang paa.
Gulat ka ba sa sipag di yan kataka taka.
Di umasa sa baka siniguro ang lahat.
Nag ambag para maguhit ang pangalan sa aklat.
Rumespeto pabalik sa beterano o bagito.
Parepareho lang naman bat naparito.
Wag kang pabulag sa piso balang araw darating sayo limpak na libo libo.
Kasama mo ang totoo kahit na zero ang bulsa mo sa amin di uso ang ego
Siksikan na kaya madami kang nasiko.
Dumistansya ka sa mga feeling paborito.
Sa byahe mo ikaw lang ang tunay na nagmaneho.
At kakampi mo ang tunay na pasahero.