Ikako歌词由SB19演唱,出自专辑《Pagsibol》,下面是《Ikako》完整版歌词!
Ikako歌词完整版
Ikako - SB19
Composed by:PABLO
Produced by:Thryo Alfaro
Pag-gising sa umaga'y
Tinig mo ang paboritong himig
'Di naman siguro 'to
Isang panaginip
Pinagdarasal parati
Kaligtasan mo't mapawi
Ang lungkot sa iyong mata
'Di na luluha pang muli
Panahon ma'y nagdidilim
Liwanag ay sisikat din
Sabay nating haharapin
Takot sa puso'y alisin
Lahat ng to'y lilipas din
Walang pagsubok na 'di kakayanin
Ibig ko lang ipahiwatig
Na basta may pag-ibig
Sa puso natin magwawagi yeah
Oh sigurado babangon tayo
Kaya'ng lahat ikaw at ako
'Wag kang susuko
Magkasama tayo
Hanggang sa dulo
Ikaw at ako
Andami-dami na nating
Pinagdaanan nun
Bawat marka ay tanda na
Higit na mas matatag
Na tayo ngayon
Tindi ng alon kahapon
Wala 'yon
Babangon tayo padayon
At sinong nagsabing buhay
Magiging madali
Sisingilin ka niyan araw-araw
Bayaran mo paunti-unti
Sulitin ang bawat sandali
Isipin mong mabuti kung
Pa'no mo gagamitin ang sukli
Ibig ko lang ipahiwatig
Na basta may pag-ibig
Sa puso natin magwawagi yeah
Oh sigurado babangon tayo
Kaya'ng lahat ikaw at ako
'Wag kang susuko
Magkasama tayo
Hanggang sa dulo
Ikaw at ako
Yeah
Ang nais kong makasama
Hangga't narito sa lupa
Kung maaari lang sana
'Wag ka nang mawawala
Ako ay lagi mong kasangga
Sa lahat ng 'yong problema
Yeah
'Di ka nag-iisa
Oh sigurado babangon tayo
Kaya'ng lahat ikaw at ako
'Wag kang susuko
Magkasama tayo
Hanggang sa dulo
Ikaw at ako
Wala na ang pangamba
Basta't ika'y kasama
Wala na ang pangamba
Yeah yeah yeah
Yeah yeah yeah