Ikot歌词由Roundhouse&Morphine Kings演唱,出自专辑《Your High-Ness (Explicit)》,下面是《Ikot》完整版歌词!
Ikot歌词完整版
Matutubig nanaman ang mata
Nilulunod, nilulubid
Ng lungkot at kaba
Kung bukas ng umaga'y
May liwanag na dala- dala
Meron, wala, bahala na!
Kung kaya kong
Silipin ang hinaharap
Kasalukuyan malamang ay nalaman na
Naitama na pero tama na
Napaka daming dumaan kainaman na
Di maiwasang mainis, mayamot
Ang noo'y nakakunot
Simangot
Di maiwasang mainip, mabagot
Maghakot ng panalangin
Hanggang pangarap maabot
Sumagot kase
Umaasa na lamesa'y bumaliktad din
Mga dating nawala ay bumalik na din
Mga dating nangagat at humalik na din
Tinatagong mga sugat gumaling na din
Mga taong humusga ay tiwarik pa din
Hahayaan ko na lamang papalampasin
Walang mapapala kung papatulan
Papalampasin, paghahampasin
Kasi wasak na din
Tulad ng sinabi ko sa dating awitin
Ay patuloy binabago ang bituin
Talagang ganun pa din
Doon pa din nakatuon ang paningin
Anu man ang gustuhin
Lakad ng lakad 'gang sa marating
Laban ng laban wala ng daing
Sawa na sa luhang sa lupa tumulo
Minsan dito'y sadyang nakaka praning
Praning
Kase wala wala wala wala
Walang makakapigil
Kase wala wala wala wala
Walang makakapigil
Kase wala wala wala wala
Walang makakapigil
Kase wala! walang pipigil sayo
Kahit pilitin kong
Iwasan ang seryoso
Na tema
Minsan dapat ilabas
Kasi barado may plema
Mahirap huminga kapag
Ma- drama ang eksena
Pakilipat nga ng channel
Paki pihit ng antena
Ibahin na natin
Good vibes sa lahat
Wag nang ibalik pa natin
Goodbye ang sarap
Tuloy lamang ang
Tugtugan kahit pa mamalat
Bagong yugto sa aklat na may
Bagong pabalat
Etong solusyon sa
Utak mong puno ng polusyon
Etong solusyon sa
Utak mong puno ng polusyon
Maliwanag na muli ang mata
Tinabunan ng mga pangamba't kaba
Binuhusan ng ligaya ang pusong aba
Nilukuban ng saya
Gusto ko pa
Sa kabila ng
'Di mabilang na batikos
Nananatili pa din
Ang matitibay matitikas
At ang dating tanikala
Na nakabalot nalagot ngayon
Panooting ang mga
Tala kung papano lumuhod
Lakad ng lakad 'gang sa marating
Laban ng laban wala ng daing
Sawa na sa luhang sa lupa tumulo
Minsan dito'y sadyang nakaka praning
Praning
Kase wala wala wala
Wala walang makakapigil
Kase wala wala wala
Wala walang makakapigil
Kase wala wala wala
Wala walang makakapigil
Kase wala!