Panata歌词由Roc-6&Jett Martinez演唱,出自专辑《Reclusion Perpetua (Part I) [Explicit]》,下面是《Panata》完整版歌词!
Panata歌词完整版
Maaari mo bang ipasa sa akin ang 'yong sigya
Para pag sumampa na ko sa gitna
At bumitaw ng aking mga linya
Ay walang halong kung anong kaba
Gusto ko kahit paao respeto nila makuha
Nakabibilib ang iyong panata at pananampalataya
Kahit wala pang bumabalik sa iyong tinaya at tiniis
Ilang gabi kang umiyak naghinagpis
Pero narating mo ang lahat ng iyong ninanais
Gamit lamang munti mong kwaderno at lapis
Sabihin mo nga sa aming nagsisimula
Paano nga ba dapat ang makata tumula
Paano makalikha ng apoy na hindi maaapula
Dapat sa umpisa pa lamang kap
Alam mo na kaagad kung bat
Susulat at ang kamay sa mikropono hahawak
Natural na sa una meron sayong aawat
Pero hindi ka dapat doon magpapigil
Sa halip ilabas ang pangil
Itodo mo ang gigil
Kung buhay ka hanggang ngayon marahil
May misyon ka pa dito sa ating mundo
Pero kapatid may nais lang akong itanong sayo
Bago tawaging makata ang sarili mo
Tunay ka nga bang makatarungan at makatao
Makata ka pa rin ba maski magsara ang ilaw ng entablado
Mawala ang palakpak ng mga tao
Baka pwede pong sumingit upang makapasa
Ng takdang aralin na bigla kong naalala
Karamay ko ay puyat pati na isang tasa
Ng kape, upang magising at utak ay gumana
Inabot ng umagang buo pa rin ang gigil
Di pwedeng magpapigil sa ginagawa ko dahil
Simula ng pagkabata, nangarap, namanata
Hindi nainip sa byahe kahit ang tula'y mahaba
Suki ng kabiguan ngunit di ko alintana
Dahil lagi kong tanaw ang pag asa sa bintana
Kaso walang nangyayari, binalak mag impake
Kasi 'yong tunog ngayon hindi na raw tulad ng dati
Walang kwenta sa klase kaya tinutulugan
Laging nasa huli't walang natitirang upuan
Pero tol, di bale na Walang sunod na pahinga
Gawing apoy ko sa sulo bawat sunog na pahina
Na di basta maapula kaysa ako'y umapela
Habang ako'y humihinga, alam kong mangyayare pa.
Kung sakaling tanungin, sakin kung paano ba?
Nagsusulat akong walang inaasahang pambura
Pero kahit na, di ko maranasan ang sumikat
Pagkat pagiging makata'y di naman doon nasusukat
Basta di ko dinadaya bawat balitang inulat
At walang nagmumultong tinta saking mga panulat