笨鸟先飞
我们一直在努力
2025-01-11 06:24 | 星期六

Apat na Buwang Kapaskuhan歌词-philippine madrigal singers&Mark Anthony Carpio&Hami

Apat na Buwang Kapaskuhan歌词由philippine madrigal singers&Mark Anthony Carpio&Hamili Campos-de Castro&Robert Delgado演唱,出自专辑《Diwang Paskuhan》,下面是《Apat na Buwang Kapaskuhan》完整版歌词!

Apat na Buwang Kapaskuhan歌词

Apat na Buwang Kapaskuhan歌词完整版

Tuwing sasapit ang Setyembre, ating nababatid

ang buong pananabik sa Paskong papalapit

Lumang parol naglalabasan, gawa sa plastik at kawayan

Sa pagsabit ng palamuti, lahat ay nag-uunahan

Sa pagsapit ng Oktubre, ating naririnig

mga awiting pampasko sa radyo at telebisyon

Mapapasayaw, mapapaawit sa indayog at sa himig

Mga titik ng awitin ay kay sarap damhin

Apat na buwang paghihintay ay 'di natin alintana

kung bawat araw ay may galak at pag-asa

Apat na buwang paghandaan, apat na buwang ipagdiwang

ang pagkakasama't pagbibigayan sa apat na buwang Kapaskuhan!

Tuwing sasapit ang Nobyembre, lahat nag-aabang

Panregalong may diskwento, sa'n matatagpuan?

Sa napaagang Krismas bonus, isa ka ba sa mabibigyan

at ang iyong mga minamahal ay mabibilhan?

Sa pagsapit ng Disyembre, lahat ay abala

Nagtatago pa ang araw, handa nang magsimba

Kaliwa't kanang Krismas party, 'di na alam sa'n pupunta

Ang reunion ng pamilya, tila naging pista

Apat na buwang paghihintay ay 'di natin alintana

kung bawat araw ay may galak at pag-asa

Apat na buwang paghandaan, apat na buwang ipagdiwang

ang pagkakasama't pagbibigayan sa apat na buwang Kapaskuhan!

Sa mismong araw ng Pasko, pamilya'y sama-sama;

pagsaluhan na ang Noche Buena

Araw na pinaghandaan ay naging makabuluhan

Apat na buwang paghihintay ay 'di natin alintana

kung bawat araw ay may galak at pag-asa

Apat na buwang paghandaan, apat na buwang ipagdiwang

ang pagkakasama't pagbibigayan sa apat na buwang Kapaskuhan!

未经允许不得转载 » 本文链接:http://www.benxiaoben.com/efd04VVA9BgtXUQYBCg.html

相关推荐