1nthrow歌词由Shanti D**e演唱,出自专辑《Shanti Dope》,下面是《1nthrow》完整版歌词!
1nthrow歌词完整版
Nakiangkas sa giniginaw na pulang kabayo dalada na sibat ay tulang magarbo
Pinahatid ang mga malalang regalo ko sa utak alimango
Maluwang na karo
Gitgitan na kami ng aliwin ng mga pangarap na hindi kaya bilin
Madami man ang pumapantasya bilang lang sa daliri ang pwede tumikim
Mundong inakala kong laro lang nasimulan na maging kilala
Ko na pagkatapos sawayin ng mga karanasan na dala ko piring sa mata
Kinagatan ang trip ng karamihan kahit na hindi madaling nguyain sa panga
Baka naman ay mag yapak ka nalang pag nagpalit tayo ng mga sapin sa paa
Katawatawa na isipin ngayon pa ko nadala sa pagiging
Patapon na malala sa alipin ang mahalaga nabawi rin may napapala kada gising ko
Sa kama kahit na gipit ako na dumilt ay todo kayod
Kalabaw kahit na walang sahod sa lamesa walang karapatan na mapagod
Kung di na kaya ibigay ni itay ang mga hiling sa dumaan na kometa
Panahon na para ilabas ang mga kaalaman na itinabi ko sa bodega
Ang usapan ba dito karera
Dala ko'y tangke na de kalesa
Bumbilya ko'y alam ko na paganahin ayoko na magtiyaga pa sa gasera
Ang haring araw ay nakauwi na ano kayang ipapakita
Ko na mukha sa buwan nakangiwi ba o nakangiti na
Parang nakakita ng mga hitang mala Ara Mina
Pagkadoble cara pangkaraniwan sa mundo na dalawa lang ang pwede pagpilian sumabay sa alon o magpakasalbabida ugh
Habang sila tanging hangarin di na gumamit pa ng pambura
Akin ay pano pa ba ko sa sariling baho ko mapasuka
Sa dami ng palabukang bibig di ko maiwasan na mapamura
Ako laban sa mga tengang panalang latak lamang ang napuna
Kaya kung bakit ba ko nandito
Karaniwan na tanong ng ilan
Kahit na sa pagkabalagong nalibang niluwal ako para sa matinong dahilan
Kahit patapon sa ilan pagkakataong hiniram nagkaron parin ng dahilan
Para umasa na dumating ang panahon ng napakalagong anihan
Pinili ang mga dapat kalabanin pero di kung sino ba papalagan
Bago pa gawin na katawa tawa pagkatao na di nila tipo makita pinakawalan
Mala Romy Diaz sa sulatang pagiging bida gaganapan sariwang era ko'y abangan
Peke ang mundo na iyong ginagalawan kung ang katotohanan ay hindi mo pa nahubaran