Soup no. 5歌词由DMajors演唱,出自专辑《The Blacksheep Singles》,下面是《Soup no. 5》完整版歌词!
Soup no. 5歌词完整版
Napakadami ng mga taong mapang-mata
Labas sa tenga kahit lagi pang pinupuna
Walang mawawala kung susubukan mo ‘di ba
Ganyan lang talaga laging uulit ka sa umpisa
‘Di na bale kung mauunahan ka ng iba
Ang mahalaga naman ‘di ba ikaw ay masaya
Kahit ‘di ka sigurado kung sa’n mapupunta
Tuloy-tuloy pa rin kahit na maubusan ng tinta
‘Di na papadala sa sinasabi ng iba
Gagawa ng katha ng sining, ng obra
Pangarap na matayog sinasamong tunog
Isisigaw ‘di na maliligaw
Minimithi'y abot na ng tanaw
‘Di mag-iisa giliw
Sasabayan ang saliw
Ang tinig, ang himig
Ang tono sa dibdib
Minsan hindi sumasang-ayon ang taon
Minsan mahirap abutin kasi malalim ang balon
Pero hindi pa rin sinayang bawat pagkakataon
Makupad man ang pag-andar na para bang isang pagong
Alam kong kahit maraming pagsubok ang dumating
Babalewalain hanggang ang tuktok ay marating
Tuloy-tuloy lang sa biyahe kahit abutin ng dilim
Walang makakapigil kahit matarik aakyatin