Sa Puso ko歌词由True Faith演唱,出自专辑《Memories Are Cheap》,下面是《Sa Puso ko》完整版歌词!
Sa Puso ko歌词完整版
Sa Puso ko - True Faith
Dapat nga bang sundin
Itong bulong ng damdamin
O talinong nakamit
Ito'y pinipilit
Huwag sumuot sa alanganin
Ang isa'y sinasabi
Sundin lang siyang palagi
Takot ilagay sa isang tabi
Tuktok ay sumasakit
Dahil iginigiit na huwag kang mabulag sa pag ibig
Sa isip ko
Ay walang nakakasilip
Sa puso ko
Ay mayrong nagsasabi
Ang payo ng ulo ay praktikal sa suliranin
Huwag kang padadala sa tibok na iyong dala
Buksan na ang iyong mata
Ngunit hindi patatalo
Ang puso'y may pambato
Labis na pag ibig
Maski anong panganib
Hinding hindi sasanib sa utak na duwag at bingi
Sa isip ko
Ay walang nakakasilip
Sa puso ko
Ay mayrong nagsasabi
O diyos kong Maykapal
Ako nga ba ay hangal
Masama ba ang magmahal
Dahil hindi na uurong
Ang pusong umuugong ng pagsambang walang kapalit
Sa puso ko
Isa lang ang sinasabi
Sa puso ko
Ikaw ang nagmamay ari
Sa puso ko
Isa lang ang sinasabi
Sa puso ko
Ikaw lang ang nagmamay ari
Sa puso ko
Isa lang ang sinasabi
Sa puso ko
Oh ikaw lang sa puso ko