Reyunyon歌词由Ronnie Lee&Chris Olivar演唱,出自专辑《Campione》,下面是《Reyunyon》完整版歌词!
Reyunyon歌词完整版
Reyunyon
v1
O kay sarap balik-balikan
Mga kwento ng nakaraan
Sisimulan sa kamustahan
Susundan ng mga buskahan
Punong-puno ng alaskahan
Paminsan ay magka-pikunan
v2
Iba-iba ang katayuan
May mayabang, may tahimik lang
Meron din namang sobrang bait
Bumubwelo at mangungutang
May sungay o santo’y nandyan
Kaibigan rin ang turingan
chorus
Matagal nang hindi nagsasama
Sabik na muli ay magkita
Nag-aabang ng ibabalita
Huy eto na may reyunyon na
Eto na nga at maghahanda
Wag mawawala reyunyon na
v3
Hindi pa nga rin mawawala
Sa pulutan siya ay masiba
Bangka sa gabi maingay na
Kalahating beer pa lang natungga
Mauubos ang gabi sa atin
Kailan kaya ito uulitin
ulitin ang chorus
bridge
Pagkatapos ng kwentuhan
Pagkatapos ng tawanan
Napikon sa alaskahan
Sa huli ay magkaibigan
At muling maguuwian
Di naman magkakaiwanan