Ako’y Umiibig Sa ’Yo歌词由Jay Abordo演唱,出自专辑《Mga Liham Ng Soltero》,下面是《Ako’y Umiibig Sa ’Yo》完整版歌词!
Ako’y Umiibig Sa ’Yo歌词完整版
Umikot ang mundo nang matanaw kita
Niyanig mo ang tulog na diwa ko sinta
Sa himbing ng idlip at sa aking pag-iisa
Ngayon ay nagising mo na
At lalo mo’ng nabihag no’ng ikaw ay ngumiti
Labis ang tuwa at puso’y napangiti
Namula ang pisngi, agad napamahal sayo
Kaso lang
Ako’y nahihiyang aminin nararamdaman
Baka isipin mo ako’y nagbibiro lang
Ngunit hindi, ika’y mali, Ako’y umiibig sayo.
Binago mo’ng muli ang aking mga kanta
Mula nang matanaw ko ang iyong mga matang
Nagniningning na parang tala, diwatang wari kumakanta
Ako’y nahihiyang aminin nararamdaman
Baka isipin mo ako’y nagbibiro lang
Ngunit hindi ika’y mali, Ako’y umiibig sayo.
Akoy di mahihiyang aamin sa iyo
Wag mo lang isipin na ako’y nagluluko
Dahil mali, mali ya’ng nasa isip mo ako’y umiibig sayo