My Lovieduby歌词由Wat Bleed演唱,出自专辑《Wans in a White Moon》,下面是《My Lovieduby》完整版歌词!
My Lovieduby歌词完整版
Ito ay kwento ng isang binata
na nagmamahal ng isang dalaga
Si botoy na isang binata na in-love sa isang dalaga
Araw-araw ay nanaanaginip ng gising
Nangangarap na makilala at maka syota
Pero, botoy masyado pa yatang maaga
Madami ka pang pwedeng gawin sa'yong buhay
Huwag kang magmadali na para bang natatanga
Halika't lumapit, tatambay tayo sa bahay
Botoy, wag kang magmadali
Kung aapurahin, ika'y mahihirapan
Huwag mong baguhin ang 'yong sarili
Oh, aking kaibigan
Si Mewtwo na isang dalaga na ubod ng ganda
Strikto pa sa security guard ang kaniyang ama
Hindi pinapayagan na gumala with her friends
Para bang naka life imprisoned sa loob ng selda
Pero, Mewtwo alam mo bang may nagmamahal sayo?
Isang binatang nakatambay doon sa may kanto
Naghihintay na dumungaw ka sa'yong bintana
Please dungawin mo ang iyong tagahanga
Mewtwo, dinggin mo ang kaniyang awit
Sinulat nya kagabi gamit ang aking lapis
Bumili pa nga siya ng flowers sa may Kawit
Sa aming kapitbahay
Wag ka magmadali hindi mo pa alam
kung may feelings ba siya sayo asungot ka
Waitings nalang tayo sa kaniyang tugon
Kumain muna tayo ng turon
"Oo" daw botoy ang sabi ni Mewtwo
"Hintayin nalang muna daw ang tamang edad"
Payag daw siya basta kausapin mo muna ang kaniyang dad
Paalam na oh, botoy
kayang-kaya mo nayan
It's the end of their love story
Sa susunod na ulit