Lamig歌词由Roc-6演唱,出自专辑《Reclusion Perpetua (Part I) [Explicit]》,下面是《Lamig》完整版歌词!
Lamig歌词完整版
Teka nga muna sinta saglit,
Pwede bang pakipaliwanag bakit
Ikaw sa akin ay tila nanlamig
Nawala na ang tamis ng pag ibig
Sadyang hindi ako mapakali
Hinahanap kung saan nagkamali
May nagawa ba o nasabi
Kaya bihira na tayo kung magtabi
Mailap ka na rin kapag niyayakap
Ang tsokolatet bulaklak di na tinatanggap
Nang malugod kaya ko nalulungkot
Ang puso at isip ay parehong napapagod
Huwag mo naman sa akin ipagdamot
Kailangan ko lang ng tuwirang sagot
Tingnan mo ko nang mata sa mata
May iba na ba sayong nagpapasaya?
Kung oo wala na kong magagawa
Ako na mismo ang magpaparaya
Kaysa ang oras natin ay maaksaya
Mahirapan man ako ito'y makakaya
Sana lang ang katotoohanan ay aminin
Sa akin at huwag kang magsinungaling
Anuman ang iyong mga sasabihin
Ihahanda ang sarili at tatanggapin
Hindi magtatanim sayo ng galit
Kahit pa na ako ay iyong ipagpalit
Sayo ay hindi magiging mapait
Babaunin ko pa rin ang masasayang saglit
Kung talagang hanggang dito na lang
Kailangan natin sa isat isa magpaalam
Ikaw pa rin ay aking pasasalamatan
Sa minsan nating naging pagmamahalan