Paano歌词由Emmanuel Antonio演唱,出自专辑《Muralla》,下面是《Paano》完整版歌词!
Paano歌词完整版
Nanlalamig, nag-iba na ang ihip ng hangin sa ating dalawa
Nagbago ka na, hindi na tayo tulad nung dati na masaya
Kay lungkot lang na isipin, na ang istorya ay di' na para sa atin
Maibabalik, pa ba kaya sa dati ang mga pahina?
kasalanan ba ang mahalin ka?
at ang parusa’y sakit, sinta?
Paano na? Paano na uusad ngayong wala ka na?
Hindi makita ang sarili ng di' ka kasama
Matutupad mo na ang iyong pangarap sa piling ng iba.
Hindi mo ba alam, hindi mo ba ramdam ang pusong naghihintay? Naghihintay sayo.
Binigay na ang lahat, kahit ubos na ubos na ako
Naligaw na sa mundo
Sa pantasyang ikaw at ako
Paano na? Paano na uusad ngayong wala ka na?
Hindi makita ang sarili ng di' ka kasama
Matutupad mo na ang iyong pangarap sa piling ng iba.
Matutuloy pa ba ang mga pangako sa isa't isa? Ngayong nakasandal ka na sa balikat ng iba.
Magagawa pa ba ang dating ginagawa ngayong wala ka na?
Ngayong wala ka na.
Paalam na, Paalam na sinta ngayong wala ka na
Bibitawan na ang pangarap nating dalawa
Ang huling hiling ko lamang sayo sinta
Sana ikaw ay masaya.