Isang Lamesa (Explicit)歌词由Dice 1ne&Art Weezy&Cy Silva&Eydan演唱,出自专辑《Isang Lamesa (Explicit)》,下面是《Isang Lamesa (Explicit)》完整版歌词!
Isang Lamesa (Explicit)歌词完整版
Kamusta kana tagal mo naring wala
Hirap mo naring mahila
Kung saan narin dinala ng mga paa yung kilala namin na mahina
Yung sa inuman lakas magpabida
Kaso madalas ay tulog mantika
Ngaun laman ka nalang ng usapan
Kontento nalang kaming makibalita
Laki man ng pinagbago
Pero satin wala parang laman netong baso
Medyo napapatahimik nalang sa mga oras na kami naninibago
Parang palaging may kulang Laging bakate upuan
Kaya sa gitna ng masayang inuman
Ikaw ang palaging pulutan
Sige malasing ka man sa mga mamahalin jan na alak at mga pulutan
Pero alam ko na mas masarap paring lasapin ang pait pag kami ang kakwentuhan
May mga bumalek pero yung iba isa isa narin na pumapanek
Batian kapagka nasalubong alam ko hugot sa inyong mga tapek
Laman ng kalsada madalas na kabanggan baso
Dating mga walang plano ngayun ay sumusugal narin para manalo
Laman ng bagahe mga alaala kahit na saan mapadayo
Madapa man o magtagumpay may nag iintay paring lamesa at baso
CY SILVA (CHORUS)
Laging dapat wag mong hihintuan
Kahit minsan ay hindi mo na alam
At umabot kana din sa punto na
Mawala na ang lahat wag lang mga
Tunay mo na kaibigan
tol galingan mo magsumikap
Galingan mo magsumikap
tapos galingan natin sumipat
galingan lahat mag ingat
ART WEEZY (2ND VERSE)
Kamusta na kaibigan? Ano na bang bago?
Sawakas ay nagkita rin tayo
Tagal na rin nung huling kampayan natin ng baso
Sa harap ng binuong mga plano
Eto pa rin walang pinag-iba
Mejo nawalan lang ng pahinga
Gustong gumanda yung istorya ng buhay
Kaya mas pinapakapal ko yung pahina
Ganun pa rin naman kung ano yung dati
Positibo lang lagi
Katulad mo na palaban sa bawat pagsubok
Na humahawi
Inuman pagkatapos ng mga dagok, karahasang naranasan sa kalye
Ngayon sarap na lang tawanan ng mga kapusukan noon natin
Sa daming nangyari di na masabi
Ngunit di pagod na ibahagi
Kayo yung mga nakasaksi kung paano inukit yung bawat detalye
May malungkot na parteng di pwedeng mawala
Sa masayang byahe
Malamang masarap ang kwentuhan bago pa tayo gumarahe
Lumipas ang panahon, di na rin pabata
Iwas na rin madapa, tamang desisyon na'ang ginagawa
Galingan para sa may mapapala
Merong kayo na di mawawala, na kasabay ko non kung san mag gala
Kasabay mangarap kaabay tinahak
Manalo tayo ang mahalaga
CY SILVA (CHORUS)
Laging dapat wag mong hihintuan
Kahit minsan ay hindi mo na alam
At umabot kana din sa punto na
Mawala na ang lahat wag lang mga
Tunay mo na kaibigan
tol galingan mo magsumikap
Galingan mo magsumikap
tapos galingan natin sumipat
galingan lahat mag ingat
EYDAN (3RD VERSE)
Mga kaibigan ko sana naman ay walang mag bago sating turingan
Kung meron man sanang mag bago ang sana ko, sana yung iba nalang
Dahil hindi ko makakalimutan mga asaran nating may pikunan
Sating tambayan na parang tahanan na pag umupo ay wala ng uwian
Sa bawat bungguan ng basong di na mabilang na parang atraso
Sa may magulang kapag nagtatago ng kalokohan sa may ibang tao
Ay ganon din kadami mga pangyayari na atin ng napagsaluhan
Mga problema na pinapasan ng bawat isa ating pinagtutulungan
Kaya kaibigan, maraming salamat sayo kasi di ka lumisan
Lalo sa mga panahon na halos baon ako sa loob ng kalungkutan
Sa inyo dami ko ding natutunan kaya mas lalo ko pang tututukan
Gano man kalayo o gano kahirap wag tayong matakot subukan
Basta kaibigan ang payo ko lang manalo matalo sayo ako dyan
Kung sakali na manalo ka man wag mong kalimutan ang pinagmulan
Basta kaibigan ang payo ko lang manalo matalo sayo ako dyan
Kung sakali na manalo ka man wag mong kalimutan ang pinagmulan
CY SILVA (CHORUS)
Laging dapat wag mong hihintuan
Kahit minsan ay hindi mo na alam
At umabot kana din sa punto na
Mawala na ang lahat wag lang mga
Tunay mo na kaibigan
tol galingan mo magsumikap
Galingan mo magsumikap
tapos galingan natin sumipat
galingan lahat mag ingat