Huling Yakap (Explicit)歌词由Still One&Yhanzy演唱,出自专辑《Broken Heart Song (Explicit)》,下面是《Huling Yakap (Explicit)》完整版歌词!
Huling Yakap (Explicit)歌词完整版
Huling Yakap (Explicit) - Still One/Yhanzy
Lyrics by:Ace Escalante
Composed by:Ace Escalante
Bago natin kalimutan ang isa't isa
Nais kong hawakan ang iyong mga kamay kahit sa huling sandali
Magkahiwalay man tayong dalawa
Lungkot at sakit man ay aking madama
Di man tayo magkita balang araw
Aking panghahawakan na naging parte ka ng buhay ko
Kahit huling yakap nalang
Bago tayo magkahiwalay
Lagi mong tandaan kung ga'no kita kamahal
At maayos natin na bibitawan ang isa't isa
Bago tayo magmahal ng iba
Gusto kong mayakap ka at mahagkan
Kahit may luhang nakakubli
Magkahiwalay man tayo'y may saya
Na madarama at magpapaalala sa paglipas ng panahon
Ay minsang nagkaro'n ng ikaw at ako na nagmamahalan
Kahit huling yakap nalang
Bago tayo magkahiwalay
Lagi mong tandaan kung ga'no kita kamahal
At maayos natin na bibitawan ang isa't isa
Bago pa natin tahakin ang bukas na
Kung sa'n hindi na tayong dalawa
Pwede ko bang tuparin yung mga hiling
Mo sakin na hindi ko nagawa
Dahil sa labis naging abala nalimutan ko na ika'y paglaanan
Inisip ko ang ating kapakanan at hindi
Ang lumbay mong nararamdaman
Di ko alam sa likod ng mga tampo
Mo at masasakit na salita
Yung pagkukulang ko sa iyo bilang
Asawa'y nahanap mo na sa iba
Sa halip na dapat ako'y galit sa awa sayo'y napaluha ako
Niyakap ka habang humahagulgol patawarin mo 'ko kung nagkulang ako
'Di ko inakala na yung dating tayo na masaya habang nagliligawan
Eto dumating na sa katapusan at maayos kitang hihiwalayan
Pero bago tayo magkawatak mamimiss ko ang yong mga talak
Yung mga luto mong masasarap na sa puso ko ay talagang tumatak
Wag mong sisihin ang sarili mo ako ang dapat non na gumawa
Labis kong pagkukulang ang nagtulak sayo para gumawa ng masama
Punasan mo na ang 'yong mga luha tumahan kana at mapalagay
Walang sama ng loob salamat sa maayos nating paghihiwalay
Yakap nalang
Bago tayo magkahiwalay
Lagi mong tandaan kung ga'no kita kamahal
At maayos natin na bibitawan
Kahit huling yakap nalang
Bago tayo magkahiwalay
Lagi mong tandaan kung ga'no kita kamahal
At maayos natin na bibitawan ang isa't isa