Time Machine (Explicit)歌词由Murda One演唱,出自专辑《Time Machine (Explicit)》,下面是《Time Machine (Explicit)》完整版歌词!
Time Machine (Explicit)歌词完整版
ang sarap bumalik sa panahon na kung saan magaan pa ang lahat walang problema na pasan
walang iniisip na bayarin kada bwan
libre pa sa oras panahon pa ng kamusmusan
kamusta na kaya yung mga kalaro ko non sadyang kay bilis umusad ang oras at panahon
mga sandali na puro laro ang inaatupag
kapiling yung mga kababata laging
panatag
tawanan habulan halos di nagpapa awat halakhakan biruan magkaia akbay ang balikat
napakasimple araw araw laging masaya
mga panahong wala pang problemang dala dala
sa ilalim ng araw madungis laging pawisan kung minsan sabay sabay nagtatakbuhan sa ulan
nakakamis yung dati na walang inaalala kundi araw araw ay makasama ko ang barkada
ang sarap balikan magbabalik tanaw ako sa nakaraan (kung saan)
walang mga problema na pasan pasan
laro maghapon kasama mga kaibigan
at walang kasawaan sa tuwa't saya na nararamdaman
kung may isang bagay lang ako na hihilingin
mabalikan ko ang lahat sakay ng time machine
wala pang gadget laptop cellphone tablet
pero masaya kahit walang high-tech na gamet
tansan na tupi lang ok na sulit palage
mataya taya kahit balagoong parate
mga oras na di ko kayang pagpalit walang pinipiling araw tag ulan o tag init
laruang tao tauhang may bakal na pabigat patintero kahit mga paa'y nagkasugat sugat
jolen sipa shato at luksong tinik langit lupa tagu taguan sarap ibalik
yung dating umaakyat tayo sa puno ng mangga manghuhuli ng salagubang tandang tanda ko pa
amoy araw uuwi ng bahay mapapagalitan ni tito ni tita di mapigilan sa kakulitan
nagmamadaling makauwi galing sa eskwela bigla kong namiss mga kababata ko sa valenzuela
ang sarap balikan magbabalik tanaw ako sa nakaraan (kung saan)
walang mga problema na pasan pasan
laro maghapon kasama mga kaibigan
at walang kasawaan sa tuwa't saya na nararamdaman
kung may isang bagay lang ako na hihilingin
mabalikan ko ang lahat sakay ng time machine
ngayon andami ng nagbago umiidad na tayo responsibilidad na sa pamilya at trabaho
problemang patong patong halos di makahinga
istorya ng nakaraan sa paglipat ng pahina
yung panahong pinagsamahan naten ay kakaiba
na kukwento ko saking anak kung gano kasaya
sandaling hindi malimot at talagang napaka kulay
bawat araw ay patunay na masarap mabuhay
kamusta na kayo sana ok ang lahat
sanay nasa mabuting lagay at walang bigat
na dala dala kamusta ka kamusta yung iba
ala -ala naten magkakasama di mabubura
mga tropa kababata kaibigan at kalaro
kabarkada kaklase na madalas palabiro
hanggang sa muli pagkikita naten tandaan meron tayong ala-ala na masarap balikan
ang sarap balikan magbabalik tanaw ako sa nakaraan (kung saan)
walang mga problema na pasan pasan
laro maghapon kasama mga kaibigan
at walang kasawaan sa tuwa't saya na nararamdaman
kung may isang bagay lang ako na hihilingin
mabalikan ko ang lahat sakay ng time machine