Sandig (Live)歌词由Janine演唱,出自专辑《Sandig (Live)》,下面是《Sandig (Live)》完整版歌词!
Sandig (Live)歌词完整版
Pabigla-bigla
Agad nahahagilap
Sa ‘yong mga mata
Ang tanging hinahanap
Mukhang ikaw na nga
Ang itinalagang
Makasama (aah..)
Oh, damang-dama na ang pagsinta
Tadhana ba'ng may pakana
'Di ko alintana
Sa iyo lang ako tumutugma (ah, ah…)
Ibigin mo ‘kong dahan-dahan, dahan-dahan
Tayong matuto, sasamahan sa hintayan
Ako’y sa ‘yo’t sa akin ka
‘Wag mabahala
Lika’t sumandig ka
Ohh…
Ohh…
Noon ako’y kabado
Ngayo’y walang takot
Nakakapanibago
Hiwaga ang dulot ng ‘yong bawat galaw
Siguro nga ikaw na
Ang kaisa-isang para sa ‘kin
Ibigin mo ‘kong dahan-dahan, dahan-dahan
Tayong matuto, sasamahan sa hintayan
Ako’y sa ‘yo’t sa akin ka
‘Wag mabahala
Lika’t sumandig ka
Damang-dama
‘Tinalagang para sa ‘kin ka
Damang-dama
‘Tinalagang para sa ‘kin ka
Damang-dama
‘Tinalagang para sa ‘kin ka
‘Wag mabahala
‘Wag mabahala
‘Wag mabahala…
Ohh ohh…
Halika’t sumandig…ka